Pagdiriwang ng Linggo ng Araling Panlipunan (Grade School)

Ipinagdiriwang ng Paaralang Marist (GS Department) ang Linggo ng Araling Panlipunan mula Oktubre 12 hanggang 16, 2020 na may temang “UN75: 2020 and Beyond, Shaping Our Future Together,” bilang pakikiisa sa buong mundo ng ika-75 na anibersayro ng Samahan ng Nagkakaisang Bansa (UN).

Upang markahan ang paggunita ng anibersaryo, inihayag ni General Secretary Antonio Guterres na ang pagdiriwang ay magtatampok ng isang malawakang pandaigdigang pag-uusap tungkol sa papel na ginagampanan ng pandaigdigang kooperasyon sa pagbuo ng ating ninanais na hinaharap.

Ang mga nakalatag na gawain sa loob ng silid-aralan ay magbibigay daan upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng samahan at ang naging papel nito sa pag-unlad ng mga bansa sa mundo sa aspetong pangkapayapaan, pang-ekonomiya, pang-edukasyon at pangkalusugan sa pagdaan ng panahon.

Ang isa sa mga tampok na gawain ay ang UN-I-TED Talk na isasagawa ng mga Grade 11 na mag-aaral na kung saan magbabahagi sila ng video presentation/infomercial tungkol sa kasaysayan ng UN sa mga mag-aaral ng Grade School.

Bilang pakikiisa ng Paaralang Marist sa mga higit na nangangailangan (Solidarity with the Least Favored) at ang pagpapahalaga sa nilikha (Integrity of Creation) ang mga gawain na nakalinya sa pagdiriwang ng Linggo ng Araling Panlipunan ay pagsasama ng layunin ng Nagkakaisang Bansa at ng buwanang pagpapahalaga ng paaralan. Ang komunidad ng Marist ay nakikibahagi sa pandaigdigang pagbubuklod upang sugpuin at lunasan ang Pandemya ng COVID-19 at climate change.

Mga Gawain

  1. Pagpapaskil ng tema at banner sa bawat klasrum sa unang araw ng pagdiriwang.
  2. UN-I-TED Talk: Panonood ng video ng mga Grade 11 na mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng UN (Community Resources).
  3. Paggawa ng ikalawang asynchronous task na mga gawain bilang pagpapalalim ng kaalaman at offshoot ng aralin.
  4. Magkakaroon ng integrasyon sa mga aralin sa Filipino tungkol sa tema ng pagdiriwang.
    • Grade 1: Paggawa ng bandila ng mga bansa.
    • Grade 2: Pag-aalay ng panalangin para sa United Nations Organization (UNO).
    • Grade 3: Paggawa ng slogan tungkol sa papel  ng UNO para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mundo.
    • Grade 4: Paglikha ng poster at slogan tungkol sa nagagawa ng UNO sa pakikiisa sa pagtulong ng mga nangangailangan sa buong mundo,
    • Grade 5: Paggawa ng poster tungkol sa papel na ginagampanan  ng UNO sa panahon ng pandemya sa buong mundo.
    • Grade 6: Paglikha ng slide presentation tungkol sa kasaysayan ng United Nations Organization.

Inihanda ni:

Gng. Agnes C. Gadingan

Filipino/AP Subject Area Coordinator, Grade Schol