Panalangin ng Rosaryo at Pagninilay sa mga Imahe ng Mahal na Ina

Sa pagtatapos ng Buwan ng Santo Rosaryo, sama-sama tayong manalangin kay Maria, ang ating butihing Ina at Ina ng Kagalingan. Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa sa Online Healing Rosary na magaganap sa ika-22 ng Oktubre, ika-11 ng umaga.

Ang ating pananalangin ay sasabayan ng pagninilay sa iba’t ibang imahe ng ating Inang Birhen sa Virtual Marian Exhibit. Ang mga imaheng ito ay mula sa ating mga mag-aaral at mga ilang Marist alumni na kuha mula sa mga altar ng kani-kanilang tahanan o mga imahen ng kani-kanilang mga pamilya.

Ipanalangin natin ang paggaling ng lahat ng may sakit, ang paghilom ng sangkatauhan mula sa pandemyang ating nararanasan at ang lahat ng intensyon ng ating komunidad.

Maria, Ina ng Kagalingan, ipanalangin mo po kami.